IDINEKLARA ng Tatler Magazine ang host-actress na si Anne Curtis bilang “Most Stylish” Pinoy celebrity.
Inilabas ng Tatler ang listahan nito ng 50 most stylish Asians para sa 2023. Kasama rito ang mga personalidad mula sa Pilipinas, Hong Kong, Malaysia, Singapore at Taiwan.
Kabilang si Anne sa tinuturing na nasa “Front Row” ng Most Stylish habang nasa “Icons” category si Jericho Rosales at “Galanista” si Mond Gutierrez.
Bakit si Anne?
“The celebrity, entrepreneur, and philanthropist flaunts a style as multi-faceted as her career,” ayon sa Tatler.