Annabelle pinuri si Barbie; binasag ng netizens

USAP-usapan ngayon ng mga marites ang kontrobersyal na post sa Facebook ng celebrity mom at talent manager na si Annabelle Rama.

“Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo,” ani Annabelle.

“Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis. Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky. Alam nyo na kung sino yun hahaha happy ka na!?” dagdag niya.

Hinala ng fans, ang “Barbie Doll” na tinutukoy niya ay si Barbie Imperial, ang rumored girlfriend ng anak na si Richard Gutierrez habang ang Chucky ay ang estranged wife ni Richard na si Sarah Lahbati.

Hindi naman natuwa ang publiko sa hanash ni Annabelle.

“Hoy kung si sarah man c chucky respeto naman sa nanay ng mga apo mo! Matandang to.”

“This is so sad. Knowing na nanay ng mga apo niya yun.”

“Tama lang talaga decision ni Sarah kung may biyenan syang gaya mo.”

“Chipipay tlga ni inday.”

“Tama kana ante, ang tanda mo na bully kaparin, maging mabait ka rin ho ilan nalang araw mo.”