Anji Salvacion nagpapasalamat sa flat na dibdib

KATAKOT-TAKOT na bash ang inabot ng aktres na si Anji Salvacion ukol sa aniya ay kaibahan ng flat at malaking dibdib.

Ipinost ni @KapusoThingsPH sa X/Twitter ang isang clip kung saan sinabi ni Anji na hindi siya mababastos dahil flat ang kanyang boobs.

“Kasi kung malaki yung dibdib, sorry po sa mga ano maganda po naman yung boobs n’yo, pero ‘pag flat kasi ‘di bastusin kahit anong suot mo kahit mag-tube ako ‘di ako mababastos kasi wala naman, wala namang ikababastos doon kasi parang lalaki nga,” paliwanag ni Anji.

“So I’m grateful for that saka ayokong mabastos,” dagdag niya.

Hindi naman nagustuhan ng netizens ang paandar ng Kapamilya actress.

“Ayaw nya mabastos. Pero sya may rights na sya mambastos sa kapwa nya pang babae ah.. Im a booby person problem ko tlaga to tapos yung confidence mo mawawala kasi maririnig mo to kasi kabastos bastos pala.”

“Hindi ka ma babastos, pero ang ugali mo ka bastos bastos.”

“Gosh ganyan pala mindset nyan.”

Ipinagtanggol naman si Anji ng mga fans niya na sinabing edited ang viral video.

“Sana buo ung video nyo na kinakalat, di ung crop nyo para pag initan ung tao. Ang anghang ng bituka nyo. Gulo ng mundo dinagdagan nyo pa.”

“Patunay na marami pa parin ang mga nagpapaniwala sa cut na vids huhuhu. Wake up oy!!!! Nakakahiya kayo.”

“Post mo rin yung kabuoan niyan di yung spliced video lang. Mangga! Manggamit ng tao para sa clout. Magkano per kilo ng Mangga mong maasim?”