Angeline Quinto isinilang second baby

“WE’RE officially a family of 4.”

Ito ang anunsyo ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto makaraang isilang ang ikalawang anak nila ng asawang si Nonrev Daquina.

Ayon kay Angge, ipinanganak ang kanyang baby girl na si Azena Sylvia nitong Miyerkules ng umaga sa isang pagamutan sa Taguig.

Noong Mayo ay isinapubliko ng 34-anyos na singer na nagdadalang-tao siya.

Ikinasal sina Angeline at Nonrev noong Abril sa Quiapo Church sa Maynila.

Isinilang ni Angeline ang unang anak na si Sylvio noong 2022.

Ipinangalan si Sylvio sa adoptive mother ni Angeline na si Mama Bob o Sylvia na sumakabilang-buhay noong 2020.