Angel sinagot hospital bill ni Janus del Prado

BINAYARAN ni Angel Locsin ang hospital bill ni Janus del Prado, na isa sa kanyang mga kaibigan sa showbiz, nang ma-confine ito.

Ibinunyag mismo ni Janus sa interview ni Ogie Diaz na binayaran ni Angel ang P150,000 hospital bill niya noong 2014.

“Tumawag agad siya. Sabi niya nasaang ospital ka, pupuntahan kita. Siyempre, sabi ko ‘hindi pwede kasi patient zero ako’,” kwento ni Janus.

Todo rin ang pagtulong ni Paulo Avelino sa kaibigan nang magsimula ang pandemic.

“Alam ko magagalit sa akin nito si Pau, ayaw niya ng pina-public na tumutulong siya pero during first wave ng pandemic, every time na magla-lockdown magpapadala ‘yan sa bank account ko ng pang-grocery. ‘Matic yan ha, hindi ka manghihingi, wala siyang itatanong kung may pambili ba ako o ano, ang aga-aga makikita mo ‘May pinadala ako, magla-lockdown daw ulit’,” chika ng aktor. –A. Mae Rodriguez