TILA pinalalabas ng kampo ni Andrew E. na ang “Humanap Ka Ng Panget” MC ang “King of Pinoy Rap”.
Sa isang Facebook post, inisa-isa ng Dongalo Wreckords ang mga requirements para tawaging hari ang isang rapper.
Ito ay ang mga sumusunod: 1. You must be rapping and publicly performing by 1986; 2. You must have a retail rap album by 1990; 3. Your released album must be certified with a platinum record.
Ipinunto ng Dongalo Wreckords, sa tatlong nabanggit na requirements, nakaungos si Andrew E. sa yumaong Master Rapper na Francis M.
Ayon dito, unang nag-perform si Andrew E. sa Hyatt Hotel noong 1986 habang unang nag-rap noong 1987 si Francis M. sa Zigzag.
Dagdag nito, una mang inilabas ang album ni Francis M. na “Yo” noong September 1990 ay mas mabilis namang naging platinum record ang “R.A.P.” ang album ni Andrew E. na na-release noong December 1990.
Ayon sa Dongalo Wreckords, inabot lang ng 10 araw bago na-certify na platinum ang “R.A.P.” kumpara sa 40 araw ng “Yo!”
Kaugnay nito, napa-react ang anak ni Francis M. na si Arkin Magalona sa pahayag ng kampo ni Andrew E.
“Wala sa metrics ang pagiging ‘King.’ Kung buhay pa tatay ko siya pa mismo magsasabi niyan. Kusa ka magiging ‘King’ pag tinuring ka na ng mga tao bilang hari,” paliwanag ni Arkin.