Andrea nambato ng lipstick sa Tacloban

HINAGIS ng aktres na si Andrea Brillantes ang ginamit niyang lipstick nang bumisita sa Tacloban kamakailan.

Sa Instagram video, makikita si Blythe (nickname ni Andrea) na nag-perform sa harap ng daan-daan katao.

Matapos ito ay inilabas niya ang lipstick mula sa kanyang cosmetics brand na Lucky Beauty saka ibinato sa audience.

“Magre-retouch muna ako,” sey niya. “Gusto n’yo ba ng lipstick?”

Pero bago niya ihagis ang lipstick ay pinaalalahan niya ang mga tao na huwag magtulakan.

“Namigay ng lipstick sa tacloban?! 🤣 Salamat po nag enjoy ako,” caption ng aktres sa post.

Nag-enjoy rin ang mga fans base sa mga komento nila.

“Super nag-enjoy kami dito sa Tacloban kahit basang-basa.”

“Thank you blythe sa pag papasaya saaming mga taclobanon we love you.”

“Mahal ka ng Tacloban, Blythe!”

“Nakipagtulakan pa ako riyan kahit buntis.”

“Labyou balik ka dito.”