Andrea may bagong crush kaya blooming

IPINANGALANDAKAN ni Andrea Brillantes na blooming siya ngayon dahil sa bago niyang crush na si Byeon Woo Seok ng hit K-drama series na “Lovely Runner.”

Chika ni Andrea, tanggap niya ang pagiging fangirl sa nasabing South Korean actor.

“I think in terms of blooming, tinanggap ko na pagiging fan girl ko. Mas nagbo-bloom and glow if in-accept mo… Masaya lang ako. I am enjoying,” sey ng aktres sa isang panayam.

“Blooming because I have a new crush. Kaka-discover ko lang kagabi, sa ‘Lovely Runner’… Kilig na kilig ako,” dagdag niya.

Gayunman, sinabi niya na crush lang niya si Byeon Woo Seok dahil ang puso niya ay nakalaan na kay  Kim Soo Hyun ng “Queen of Tears.”

“Crush pa lang si Lovely Runner. Kim Soo Hyun pa din, kasal na kami,” giit niya.

Matatandaan na nag-trending si Andrea nang magsuot ng wedding gown sa fan meet ni Kim Soo Hyun noong June.