Andrea hindi nagpapalamon sa bashers

HINDI na nasasaktan ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes sa mga pangungutya sa kanya ng mga bashers.

“Hindi po kasi ako nagpapakain sa social media. I’m really grounded naman sa real world. I know it’s easier said than done,” ani Andrea sa isang panayam.

Punto niya, karamihan sa mga nagkokomento ng negatibo sa kanya ay wala namang alam sa kanyang personal na buhay.

“I think kapag natutunan mo lang ma-appreciate ‘yung life itself, na life is more than just social media, phone, comments, and people na hindi mo naman kilala na nagko-comment sa life mo, kailangan hindi ka into it masyado,” paliwanag niya.

“Alam kong masakit siya and it’s easier said than done pero kailangan mo lang talagang hindi magpaapekto and ma-appreciate mo ‘yung life,” dugtong ni Andrea.

Sinabi pa niya na mas marami pang importante sa buhay kesa sa approval ng publiko. “There’s so many ways.

Tingnan mo lang kung gaano kaganda ‘yung mundong binigay sa atin, mundong ginawang ‘to,” sambit niya.

“Social media kasi you can easily turn off the phone and read a book, meet your friend, reconnecting with nature, meeting your friends hindi lang through phone,” dugtong pa ng bida sa “High Street.”