ISINAPUBLIKO ng aktres na si Andrea Brillantes na limang araw siyang nag-ayuno at tanging dasal lang ang kanyang ginawa.
Hindi naman sinabi ng “High Street” star ang dahilan ng kanyang pagpa-fasting.
Sa Instagram, ibinahagi ni Andrea ang clip ng kanyang pagkain ng Japanese rolled omelette sa isang restaurant.
“My first ever meal after 5 days of prayer and fastingggg!!” caption niya.
Komento ng fans: “Lalong gumanda.”
“Laki ng ibinawas ng timbang. Seksi na lalo.”
“Nagbabawas ng taba cya sa mga braso nya.”
Andrea hindi kumain nang 5 araw, dasal lang daw inatupag
