Andrea dedma sa bashers: Di ko pinagsisisihan na ako’y nanindigan

HINDI pinagsisisihan ni Andrea Brillantes ang desisyon niya na panindigan ang kanyang pinaniniwalaan kahit pa inuulan siya ngayon ng puna mula sa mga tagasuporta ni presumptive President Bongbong Marcos.


Aniya sa tweet: “Anumang ipukol sa akin, kailanman ay di ko pagsisisihan na ako’y nanindigan.”


“Para ito sa lahat. Para ito sa bayan. Sa huli, isang Pilipinas lang ang ating pinaglalaban,” dagdag niya.


Bago ito, ibinahagi sa social media ng Kapamilya star ang kanyang pagkadismaya sa pagkatalo ng kanyang kandidato sa pagkapangulo na si Vice President Leni Robredo.


“Minsan mapapa-wtf ka na lang talaga,” tweet niya.


“Wala na akong pake sa respect my decision eme na ‘yan! Sorry pero nakaka-disappoint kayo! Hindi na tayo natuto!” dagdag niya.


“Papakalma muna ako goodbye,” aniya pa sa isang tweet.