PINATUTSADAHAN ni Andrea Brillantes ang kanyang mga haters na nagsabing hindi angkop sa kanya ang titulong “Most Beautiful Face in the World” dahil retoke ang kanyang mukha.
Sa kanyang TikTok page, ibinandera ni Andrea ang ilang mga larawan niya noong bata pa siya.
“Baka ginawa ni doc?” mababasa sa video.
“My face card at NINE years old…” dagdag niya na sinundutan niya ng “Slay.”
Giit ng aktres, bata pa lang daw siya ay maganda na siya.
“Pretty since day one baby pretty with or without enhancements,” hirit niya.
Matatandaang nasungkit ni Andrea ang top spot sa “Top 100 Most Beautiful Faces” ng international independent list na TC Candler.
Kinabog niya ang iba pang Pinoy artists na sina Janine Gutierrez (#28), Liza Soberano (#31), Belle Mariano (#52), Ivana Alawi (#69), Gehlee Dangca (#82), at BINI Aiah Arceta (#88).