Andrea Brillantes, ‘Most Beautiful Face in the World’

KINABOG ng aktres na si Andrea Brillantes ang ilang Hollywood actresses, K-Pop stars at mga supermodels nang tanghalin siyang “The Most Beautiful Face of 2024” ng independent critics list na TC Candler.

Kabilang sa mga naungusan ni Andrea sa listahan ay sina ang Blackpink member na si Jisoo na nasa ikalawang puwesto, dating member ng Momoland na si Nancy Jewel McDonie (ikaanim), isa pang Blackpink member na si Rosé (ikawalo), Victoria Secret model na si Jasmine Tookes (ikasiyam) at US actress na si Sydney Sweeney (ika-10).

Samantala, pasok din sa Top 50 ang mga Pinay na sina Janine Gutierrez na nasa ika-28 puwesto at Liza Soberano ika-31 puwesto.

Kasali rin sina Belle Mariano (ika-52), Ivana Alawi (ika-69), Gehlee Danca (ika-82), at Aiah Arceta (ika-88).

Noong 2017 ay nanguna si Liza Soberano sa listahan.