Andi nalosyang na – bashers

WAPAKELS si Andi Eigenman sa mga netizens na pinupuna ang kanyang itsura na anila ay hindi akma sa pagiging isang celebrity.

Sa Instagram, nag-share si Andi ng reel kung saan ipinakita niya ang mga araw-araw niyang suot sa Siargao, kung saan siya naninirahan kasama ang pamilya.

Tinawag niya na “comfortable chic” ang kanyang mga outfit.

“Hat3rz would say, ‘Pinabayaan ang sarili. Hindi man lang mag ayos,’” aniya sa caption.

“I would say, komportable chìc! Or.. Qrated pangbahay realness!” dagdag ng dating aktres.