Andi nag-barista, nagkamot

HATI ang publiko sa isyu ng pagkakamot sa braso ng dating aktres na si Andi Eigenmann habang naghahalo ng drinks sa kanyang cafe/souvenir shop sa Siargao.

Sa video na kuha ng isang Alvin Lopez, makikita si Andi na matapos maghalo ng iced coffee drink ay ibinaba niya ito sa mesa bago nagkamot ng braso saka isinerve ang mga baso.

Sey ng poster, dedma siya sa ginawa ni Andi dahil mas nakatutok siya sa mukha nito.

“Just visit Siargao…and tell her mga kuda n’yo,” aniya sa mga namba-bash kay Andi.

Sey ng iba pang nakapanood ng clip: “At least transparent un paggawa ng kape pero medyo unhygienic nga.”

“Ang aarte ni hindi nga afford makapag siargao siguro nyn.”

“She is just a start up small business. If ick sya sa inyo, di wag kayong pumunta.”

“Prang nag serve lang ng gatas para sa anak nya, business ia business dapat sumunod sa tamang hygiene.

“Sa mga maselan, wag nyo nalang tangkilikin kung di nyo type. To Andi, pla be mindful din sa mga kilos lalo business yan ”

“Sa pinas kung sino pa maselan at maarte yun pa ang hindi nakaka afford at hindi well travelled kaya ganon ang mindset. Hahaha!”

“Ang point ei hindi street food vendor is Andi. dapat naka gloves siya to ensure na safe food handling ang practice nila sa work. Now mapapatanong ka kung nagsabon man lang ba si Andi.”