Andi Eigenmann natawa nang tawaging dugyot

PINAGTAWANAN lang ng Siargao-based actress na si Andi Eigenmann ang pagtawag sa kanya na dugyot ng isang netizen.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Andi ang isang black and white portrait na kuha ng kanyang partner na si Philmar Alipayo.

“Been a while since I had my portraits taken. Although it doesn’t technically come with the job anymore, it’s nice to have fresh ones once in a while,” ani Andi sa caption.

“To see the beauty that comes with aging. ~ ‘every year I sink deeper into this bath of unapologetic realness and it’s amazing. These photos are special because it’s lovingly taken by my mahal,” dagdag niya. Marami ang pumuso at nagkomento sa “authenticity” ni Andi, pero isang netizen ang tila naligaw at pinintasan ang hitsura ng anak ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose.

“Maganda ka nga Andie sana uwag mong pabayaan sarili mo sabi nila naging dugyot kana sayang naman pinalaki ka ng mama mo na di madapuan ng lamot at langaw now dugyot ang sabi nila syo,” komento ng netizen.

Blinock ni Andi ang nasabing commenter pero ini-screenshoot muna niya ito saka ipinost sa Instagram story para doon sagutin.

“HELLLLPPPPPP MEEEEE i kenet breatheeeee šŸ¤£šŸ¤£šŸ¤£,” caption niya.