Site icon Pinoy Publiko

Anak pasok sa ‘Batang Quiapo,’ Vhong nagpasalamat kay Coco

ON cloud nine ang TV host na si Vhong Navarro dahil tuloy-tuloy na ang pagpasok sa showbiz ng anak na si Yce.

Sa Facebook page, ibinida ni Vhong na kabilang na sa cast ng Kapamilya action-serye na “FPJ’s Batang Quiapo” si Yce.

“Yahoo! Thank you, Lord Nakaka proud na mapabilang ang anak ko at makasama sa cast ng Batang Quiapo. Goodluck Yce Navarro! Aabangan ko to!” pahayag ni Vhong.

Nagpasalamat din siya kay Coco Martin, ang direktor at bida ng teleserye.

“Maraming Salamat, Direk CM

Si Yce ay anak ni Vhong at ng dating aktres na si Bianca Lapus. Nagtapos siya ng BS in Information Technology sa UST.

Exit mobile version