Anak ni Slater Young sumailalim sa operasyon

SUMAILALIM sa surgery ang seven-weeks-old baby ng couple vlogger na sina Slater Young at Kryz Uy dahil sa inguinal hernia.

Nagpasalamat naman si Kryz sa mga doktor at nurses na nag-asikaso sa kanyang baby Sevi.

“Snaps from the weekend with our little warrior. Thank you Lord and all of Sevi’s doctors and care givers for the successful surgery and to the skyfam for the prayers and well wishes,” chika niya sa kanyang Instagram post.

Nakakarekober na ang kanilang baby, dagdag ni Kryz.

“Our brave little boy is recovering well.”