Anak ni Rica Peralejo napagkamalang palaboy?

ISINAPUBLIKO ng aktres na si Rica Peralejo na napagkamalan na street kid ang anak na si Manu nang minsang kumain sila sa restaurant kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ani Rica sa Instagram story, tinanong siya ng server kung kasama nila ang bagets dahil nakampambahay lang ito at may bitbit na sanga ng kahoy.

“True story na we were seated here when server asked us if kasama namin si Manu,” sabi ni Rica.

“Akala nya ata he is a street kid na disturbing us… and I think I know why…”

“Ganito kasi itsura nya may dala syang stick inside a fancy resto with his play clothes and birks na syempre may duming bata! Eh medyo fancy yung place so akala yata nila he cannot be dining with us,” dagdag niya.

Hindi naman nainsulto si Rica dahil aminado siya na parang batang naglalaro lang sa kalsada ang anak.

“Di naman ako naoffend kasi sa totoo lang mukha talaga syang batang naglaro sa kalye at sa totoo lang din hindi namin alam na fancy pala yung pipiliin for dinner ng mga friends namin kaya medyo sobrang casual lang namin pamilya hahahahaha…” paliwanag niya.

Bukod kay Manu ay may isa pang anak si Rica sa asawang si Joseph Bonifacio.