Anak ni Ka Tunying binati ng First Family

Kabilang sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos sa mga bumati sa ika-14 kaarawan ni Zoe Taberna, anak ng brodkaster na si Anthony Taberna.

Sa video, sinabi ni Sandro na, “Hi Zoe! Si Sandro ito. Gustong kitang batiin ng happy, happy birthday. May dalawa akong kasama na gustong bumati sa ‘yo.

“Happy birthday! We heard all the good news. Well done! Good luck! Ang galing! Best news ever,” ani Pangulong Marcos.

“Hi Zoe! It’s me. I remember when I hugged you in Singapore. Happy birthday, girl. Love you!” sabi naman ng Unang Ginang.

Matatandaan na kamakailan lang ay ibinalita ng pamilya ng brodkater na nalagpasan ng kanyang anak ang cancer matapos ang matinding pakikipaglaban at gamutan.

Una nang na-diagnosed ang bata noong 2019 ng leukemia.