INALMAHAN ng anak ni Ai Ai delas Alas na si Sophia ang girlfriend ni Olympian Carlos Yulo na si Chloe San Jose sa umano’y panunuya nito sa kanyang ina makaraang hiwalayan ng mister na si Gerald Sibayan.
Sa Facebook post, ibinandera ni Sophia ang umano’y pahayag ni Chloe ukol sa hiwalayang AiAi at Gerald.
“Back to you mamang, not to make fun of your situation but what you do to others will come right back at you 10x-it’s just the universe’s law,” hirit ni Chloe.
Hindi naman ito pinalagpas ni Sophia.
Komento ng dalaga: “Matapang ka? Public mo naman post mo regarding my mom.”
“Messaged you love,” sagot ni Chloe.
“Kita tayo sa Manila? Matapang ka eh.” resbak ni Sophia.