American singer-songwriter Keith Martin natagpuang patay sa QC condo

NATAGPUANG walang buhay ang American singer-songwriter na si Keith Martin sa loob ng condominium unit sa Quezon City nitong Biyernes.

Si Martin ang sumulat ng kantang “Because of You”.

Ayon sa report ng pulisya, isang resident sa nasabing condominium building ang nag-ulat sa barangay hinggil sa mabahong nangangamoy sa isang unit sa ika-anim na palapag ng building.

Na-trace ang mabahong amoy sa unit na tinitirahan ng singer/songwriter.

Natagpuan ang bangkay ni Martin alas 10:50 ng umaga.