Ama ni Donny naoperahan sa puso: ‘Parang binangga ng 10 truck’

ON the way to recovery na ang ama ni Donny Pangilinan na si Anthony makaraang sumailalim sa open heart surgery noong isang buwan.

Sa social media post, sinabi ng businessman at motivational speaker na tatlong linggo siyang nanatili sa ospital.

“It will be a long slow road to recovery. One doctor said that what I went through was like being beaten up by 10 guys and rammed by 10 trucks. ‘To hell and back,’ I describe it. Whatever way it is… I made it through by His grace,” dagdag niya sabay sundot na ito na ang “next new season” ng kanyang buhay.

Sa comment section ay nag-iwan ng mensahe si Donny para sa ama.

“Been a tough past few months but we’ll get back stronger than ever,” sey ni Donny.

Sa isang panayam, sinabi ni misis ni Anthony na si Maricel Laxa na nagpapagaling na ang asawa mua sa operasyon.

“We didn’t want to make it public. We just wanted a private time para sa pamilya so that we could heal properly, all of us. Kasi kapag dumadaan sa ganitong challenge sa buhay, kailangan ng suporta ng bawat isa. And so we went through it quietly and it’s the most beautiful thing to go through together,” wika ng aktres.