Aljur, AJ inurirat sa batang kasama

BINUGBOG ng tanong ang celebrity couple na sina Aljur Abrenica at AJ Raval kaugnay sa batang babae na kasama nila sa isang event.

Kinunan at ipinost ang photo ilang buwan na ang nakararaan pero ngayon lang ito nag-viral.

Pang-uurirat ng mga marites:

“Sino yung bata? Anak nila?”

“Sino yung bata sa gilid ni AJ?”

“Panganay niya yang batang babae?”

Sinagot naman ito ng ibang netizens.

“Ang laki naman ng bata kung sa kanila yan. Kung totoo na meron silang anak toddler pa, 2 or 3 years old.”

“OA sa laki ng bata hahahha! Parang kelan lang naman naging sila, for sure toddler pa lang anak nila.”

“Baka kapatid yan ni AJ o d kaya pamangkin.”

“Impossible naman na ganyan na kalaki agad ung anak nila if meron man.”

Para sa iba pang showbiz chika, bumisita sa https://pinoypubliko.com