Alex Gonzaga nag-sorry sa waiter

NAG-SORRY na diumano ang actress/vlogger na si Alex Gonzaga sa waiter na pinahiran niya ng cake sa pagdiriwang ng kanyang 35th birthday.

Halos dalawang araw rin na nag-trending si Alex dahil sa nasabing insidente na ikinainis ng maraming netizens.

Ibinunyag ni Allan Crisostomo, waiter, na pinuntahan siya ni Alex at nag-sorry.

“Last January 17, 2023 around 6:30 PM nasa work po ako. Pumunta po si Ma’am Alex kung saan po ako nagwowork,” sey ni Allan sa isang sulat na kanyang nilagdaan. “Then nag apologize and nagsorry siya saken tapos konting kwentuhan at sinabi ko po sa kanya na ok na po yung nangyari. Ok na po kami.”

Inilabas ng employer ni Crisostomo ang mga larawan ng kanyang pahayag sa social media para bigyang tuldok ang patuloy na pagbabatikos sa aktres.