Albie Casiño may ADHD

INAMIN ni Pinoy Big Brother housemate Albie Casiño na mayroon siyang attention deficit hyperactivity disorder (ADHD).

Kwento ni Albie, nai-stress kaagad siya kapag hindi ito nakakapag-workout.

Chika niya ang pagwo-workout anya ay nakakatulong sa kanyang mental health kaysa sa pisikal.

“Matagal po ako mag-exercise talaga, kasi ‘yan po ‘yung oras ko para ma-calm ‘yung mind ko. Wala akong ibang iniisip kundi ‘yung workout,” paliwanag ni Albie nang tanungin kung bakit mas pipiliin niya ang pagwoworkout kaysa maki-join sa housemates sa pool.

“Dahil po sa condition ko — meron po kasi akong ADHD — ‘yung utak ko, ang dami niyang iniisip palagi. Pag nakakapag-exercise ako, I’m in the moment na, ‘Walang ibang importante ngayon, except itong workout na ‘to,’” chika niya.