Aktor timbog sa pagpatay sa ex-BFF

INARESTO ng pulisya ang dating aktor na si John Wayne Sace dahil sa umano’y pagpatay sa kanyang katropa sa Pasay City.

Ayon sa ulat, kinompronta saka binaril ni Sace, 43, ang biktima sa Feliciano st., Brgy. Sagad noong Lunes ng gabi.

Dead on the spot ang hindi pinangalangang biktima dahil sa tinamong apat ng tama ng bala sa katawan.

Tumakas ang aktor makaraan ang insidente pero natunton ito ng mga otoridad sa pinagtataguang motel.

Magkaibigan ang suspek at ang biktima bago nagkaroon ng matinding alitan.

Hindi na idinetalye ng pulisya ang ugat ng pagpatay.

Ilang taon na rin ang nakararaan nang makulong dahil sa droga ang aktor.

Noong kanyang kabataan ay napanood si Sace sa mga ABS-CBN programs gaya ng “Wansapanataym”, “May Bukas Pa”, “Guns and Roses,” at “Forevermore.”