AJ Raval muling tinawag na mistress, nag-sorry

HUMINGI ng paumanhin ang aktres na si AJ Raval makaraan siyang tawaging kabit ng isang netizen na pinayuhan din siya na huwag ipagmayabang sa social media ang relasyon kay Aljur Abrenica.

Sa isang post ni AJ kung saan ibinida nito ang photo nila ni Aljur, nagkomento ang netizen na legally married pa ang aktor sa aktres na si Kylie Padilla.

Hirit ng netizen: “Psst kasal pa legal yang nilalandi mo. Separated lang sa asawa pero kasal pa din. So officially kabit ka pa din. Naku like mother like daughter talaga.”

“Sana kahit immoral kayo wag sana lantaran sa socmed. Hintayin nyo muna mag divorce legally bago lumantad,” payo nito kay AJ.

Ikinumpara pa ng netizen si AJ kay Kylie na mayroon na ring ibang karelasyon pero hindi inilalantad ang lalaki.

“Ung wife ni Aljur, meron din daw kabit pero Hindi pinapakita sa soc med. very seldom. Wag sana normalize mga ganito porket separated yung guy considered na single kahit kasal pa. Sacred ang kasal, bago lumandi mag divorce muna or annul,” sabi pa nito.

Hindi naman pinalagpas ni AJ ang hanash ng commenter.

“Sorry, dapat itago muna din namin. Tama ka naman. May natutunan ako sayo,” sabi niya.