AJ, Aljur nagpaputok sa anniversary

IPINAGDIWANG kamakailan nina AJ Raval at Aljur Abrenica ang kanilang anibesaryo bilang magkasintahan.

Sa Instagram story, shinare ni AJ ang video ni Aljur habang nakatanaw sa fireworks display.

“Thank you Happy Anniversary my Love,” caption ni AJ sa post.

Matatandaang isinapubliko ni AJ na nagsimula silang mag-date ni Aljur noong 2022, ilang taon makaraang maghiwalay ang aktor at asawa nitong si Kylie Padilla.

“Di baleng tawagin n’yo na ‘kong kabit and all. Pero I swear to God, ikamatay man ng pamilya ko ngayon, nag-start ‘yung relationship namin na wala kaming nasasaktan. Wala kaming nilokong tao,” paliwanag niya.

“A year after [manligaw ni Aljur Abrenica sa akin], doon kami naging official. Mga last year, July. Wala talaga kaming niloko, ikamatay man ng buong pamilya ko. I swear to God,” dagdag niya.

“Tinanong ko siya, ‘Paano ‘yung wife, ‘yung family.’ Sabi niya sa akin okay lang ‘yun kasi hiwalay na sila. May partner na rin si Kylie that time kaya nag-go ako,” chika pa ni AJ.