PINAGTAWANAN ng netizens ang aktres na si Aiko Melendez nang batikusin ang Department of Education gamit ang isang meme na mula sa Thailand.
Dahil sa dami ng natanggap na lait ay agad namang binura ni Melendez, na may balak tumakbo sa pagkakongresista sa darating na eleksyon, ang kanyang post.
Makikita sa nasabing post ang mga estudyante sa Thailand na nakasuot ng face shield, face mask at head band na may ginupit na isang metrong kartolina para may distansya sa kanilang mga kaklase.
Inakala naman ni Melendez na ito ang plano ng DepEd para sa mga mag-aaral para sa panukalang limited face-to-face classes.
Kaya ang siste ay nagtatalak sa social media ang aktres.
“Ano na naman po ito???? DEPED???? Sa tingin nyo po nakakatulong yang ginagawa nyo po? Ginagawa nyo po kakatawan paghandle sa mga estudyante? What makes you think na hindi sila magkakahawahan sa idea n’yo na yan? To think ang mga teachers di nyo unahin mapavaccine,” post ni Melendez.
Nang ma-realize na meme lang ang picture na ginamit niya at walang kinalaman sa DepEd ay agad niyang binura ang post. Marami naman ang nag-save nito bago niya na-delete.
Hindi naman siya tinantanan ng mga netizens na nawindang sa kanyang post.
“At my balak p talagang tumakbo nito sa QC ha?”
“Idol fake news yarn? Hahaha”
“Meme Aiko meme yan. juskooooo.”
“Anu ito para pogi points sa voters? It’s a no for me po.”