SINALUBONG ng mga anak na sina Sancho at Andrei ang kaarawan ng ina nilang si AiAi delas Alas na isa nang ganap na senior citizen.
Bitbit ang bouquet ng roses at cake, pinasok nina Sancho at Andrei ang silid ni AiAi para batiin ito.
“Thank you, mga anak,” ani AiAi sa dalawa.
Ipinost ng komedyana sa Facebook ang video pagsorpresa sa kanya ng dalawa.
“Kakaiba man ang pangyayare sa espesyal sana na araw na ito pero mabait ang Panginoon Dyos.. binibigyan nya ako ng mga taong makakapag pagaan ng mga dalahin,” ani AiAi sa caption.
“Sobrang salamat po Lord sa gift of Life .. and mga anak kong lalaki, kay Sancho at Andrei thank you so much mga anak sa salubong ng aking kaarawan .. simple and sweet and from the heart .. ang swerte ko may mga anak akong katulad nyo .. panganay and bunso .. mahal na mahal ko kayo… again mga anak salamat sa araw na ito,” dagdag niya.
Ilang oras bago mag-birthday ay bumisita si AiAi sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan isinapubliko niya na hiniwalayan siya ng asawang si Gerald Sibayan sa pamamagitan ng text message.