AiAi na-stranded sa airport, lumupasay

NAHIGA sa sahig ng Charlotte Douglas International Airport sa North Carolina makaraang makansela ang flight niya bunsod ng global tech outage nitong Biyernes sa US.

Sa Facebook post, sinabi ni AiAi na mabuti na lang at kasama niya ang anak na si Sophia kundi ay baka mag-iiyak siya sa airport.

“Nang dahil sa software global outage na to humiga na lang ako sa sahig sa charlotte international airport,” chika ng komedyana.

“Salamat at may dala ako kumot at unan…salamat sa DYOS kasama ko aking baby girl Sophia Delas Alas sya ang nag asikaso ng flight and luggages namin .. techi techi sya .. sabi ko sa kanya kung wala ka iiyak nalang ako,” dagdag ni AiAi.

Ayon sa kanya, may ilang siyang natutuhan sa pagkaka-stranded niya sa paliparan.

“Huwag mag byahe mag isa lalo na pag d ka naman magaling sa mga computer online online,  wag ilagay sa maleta ang food ko (hindi sa carry on ko nakalagay —inilagay ko sa check in shunga shunga ko super tomjones akey) at wag mawawala ang kumot at unan,” chika niya.