KINUMPIRMA ng columnist-host na si Jobert Sucaldito na hiwalay na ang mag-asawang AiAi delas Alas at Gerald Sibayan.
Isinalubliko ni Jobert sa kanyang online show na “Oras ng Opinyon, Talakayan, at Diskusyon” o “OOTD” na nauwi rin sa hiwalayan ang 10 relasyon nina AiAi at Gerald.
“They’ve been married for the past 10 years and akala nga ng iba may forever, di ba? Akala natin may forever kasi minsan nagbibiro pa nga si Ai Ai sa mga interview sa kanya because alam niya na mahal na mahal siya ni Gerald and they really loved each other,” chika ni Jobert.
“In fairness kay Ai Ai ay she had done everything para ma-please ang kanyang husband at I’m sure tinulungan niya ito sa kanyang flying school now that he is a pilot, they opted to stay in America. At si Ai Ai di ba bihira siyang umuuwi dito kapag may mga show?” dagdag ni Jobert.
Pahayag niya, kinumpirma ang hiwalayan ng isang mutual friend nila ni Ai Ai.
“I called a friend, a non-showbiz friend na close kay Ai Ai and pinasuka ko ‘yung kanyang non-showbiz friend at umamin, yes hiwalay sila!” wika ni Jobert.
“Sabi sa akin, ‘totoong hiwalay sila but I cannot give you details.’ I will respect that. Gihintayin ko ‘yung oras na si Ai Ai na mismo ang magsasabi, magpaliwang at mag-explain kung paano sila naghiwalay,” dugtong niya.