Ai Ai pinayuhan nanay ni Carlos Yulo sa pagsali sa Mrs. Philippines

MAGPAPAYAT ka muna, magpaseksi ka muna.

Ito ang paalala ni Comedy Queen AiAi delas Alas kay Angelica Yulo, ina ni Paris Olympics gold medalist Carlos Yulo, na hinihimok na lumahok sa Mrs. Philippines pageant sa susunod na taon.

Sa isang panayam, sinabi ni AiAi na susuportahan niya si Angelica sa mga endeavors nito gaya ng pago-online selling at pagsali sa beauty contests.

“Magpaseksi ka muna bago tayo sumali doon. Pero sa question ang answer, mukhang panalo ka. Mukhang panalo sa question and answer ang lola mo, day!” chika ng komedyana.

“Pero kailangan magpa-bump muna tayo, mader, para winner ka! Hindi, dapat uuwi kang winner! Kasi ‘pag hindi, ‘pag lotlot, naku patay tayo diyan, maba-bash tayo,” dagdag ni AiAi.