MAY sagot ang actress-singer na si Agot Isidro na tinutuya siya dahil sa pagkatalo ng kandidato niyang si Vice President Leni Robredo sa pagkapangulo.
Sa Twitter, ipinamukha ni Agot na hindi siya maaapektuhan ng magiging resulta ng pag-upo ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr. sa Malacanang.
“I have survived 6 years of trolling and bashing. This time, I won’t take it sitting down. Sa trolls, hinding-hindi ako magugutom. Not even in the next lifetime. Hindi ako malalaos kasi hindi ako sikat. Mukha akong matanda kasi matanda na ako. At least, Au naturel,” ani Agot.
Nagbigay din siya ng mensahe sa mga Pinoy na bumoto kay Marcos.
“Kung Kailangan nyo ng tulong, ituturo ko kayo sa Malacañang. Kung kailangan n’yo ng pera, singilin nyo ‘yung tallano gold. Hintayin n’yo maging 20 pesos ang bigas hanggang mamuti ang mata n’yo. Walang kuryente? Sabihin mo magtayo ng windmill sa bakuran nyo,” litanya pa ni Agot.