Agawan kay Dingdong naungkat; Rufa Mae kay Jessa: Hindi kami nagkaayos

INAMIN ng komedyanang si Rufa Mae Quinto na walang closure ang isyu sa pagitan nila ni Jessa Zaragoza kaugnay ng umano’y agawan nila sa singer na si Dingdong Avanzado mahigit dalawang dekada na ang nakararaan.

Sa programang “Sarap, ‘Di Ba?” ay inusisa ni Carmina Villaroel kay Rufa Mae ang alitan nila ni Jessa.

“Hindi kami nagkaayos at wala na rin kami dapat ayusin. Nag-pass na, baka magalit na naman,” chika ni Rufa Mae.

Idinagdag niya na hindi na sila nagkita ni Jessa mula noon hanggang ikasal ito kay Dingdong noong 2001 pero sinabing nakapag-move on na siya sa nangyari.

Matatandaan na isang panayam noong 2008, isiniwalat ni Rufa Mae na magkaibigan sila ni Jessa pero nagawang agawin ng singer ang boyfriend na si Dingdong.

Chika niya, nagmakaawa pa nga raw siya kay Jessa na hiwalayan si Dingdong pero dedma ito.

Galit na galit namang bumuwelta si Jessa at tinawag na sinungaling si Rufa Mae.

“For the longest time, I kept quiet. I tried to put up a ‘sweet’ front, nagpaka-martyr ako. But she has gone far,” ani Jessa.

“Marami na siyang natatapakan, not only Dingdong and me but also Dingdong’s family. I’m speaking up now because I don’t want our daughter, when she grows up, to ask me if it’s true that her dad and I have ‘fooled’ somebody,” dugtong nito.

Klinaro niya na hindi naging magkasintahan sina Dingong at Rufa Mae.

“They were just dating, pa-go-out, go-out, ganoon. They were never ‘exclusive’ to each other,” sabi niya sabay dagdag na si Rufa Mae ang nanloko kay Dingdong.

“Sumusobra ka nang babae ka! Sinungaling ka!”