MAS seryoso na ngayon sa kanyang acting career si David Licauco dahil pangarap niyang makakuha ng award.
Sa panayam ni Boy Abunda, sinabi ni David na dahil sa kanyang TV series na “Pulang Araw” ay nabago ang pananaw niya bilang artista.
“I would say na ‘Pulang Araw’ really changed my perspective with siguro my life din.
‘Yung acting, feeling ko this is something na I can do for a long time kaya ginagalingan ko talaga,” aniya.“
Nag-iba ‘yung perspective talaga kasi dati business.” Kaya, pahayag ni David, kinarir niya nang husto ang performance sa nasabing teleserye dahil gusto niyang manalo ng award.
“Before Pulang Araw nagkaroon ako ng goal na gusto kong, hopefully, manalo ng award,” sey niya. Inamin naman ng Kapuso star, na gumaganap sa na Japanese sa TV drama, na nahihirapan siyang magkabisado ng Nihonggo. “Everyday kailangan ko siyang i-memorize.
Actually, hindi lang siya one night para i-memorize, it takes me two days, three days para ma-memorize ang Japanese lines.
On top of that ‘yung acting pa,” sabi niya. Kaya ang ginagawa niya: “Aral lang din talaga, aral ako nang aral ng acting, maraming trial and error.”