NAGBITIW na sa pagiging court-appointed lawyer ni Britney Spears si Samuel Ingham para sa conservatorship case ng American-singer laban sa kanyang ama.
Nagresign si Ingham bilang abogado ng singer pagkatapos magpakawala ng isang kontrobersyal na pahayag si Spears noong nakaraang buwan.
Sinabi ng singer sa harap ng Los Angeles judge na ang 13-taon na approved conservatorship ay “abusive” at “controlling experience”.
Ayon kay Spears, gusto nyang bawiin ang kontrol sa kanyang sariling buhay, kabilang na dito ang pagpili ng sarili niyang abogado.
Si Ingham ay nagbitiw nitong Martes, Hulyo 6, isang araw matapos magresign din ang long-time manager ni Spears na si Larry Rudolph. Nagbitiw si Rudolph, na namamahala sa karera ng singer sa loob ng 25 taon, dahil nais na umano nitong magretiro mula sa kanyang showbiz career.