NADALE ng Covid-19 ang mga miyembro ng bandang Ben&Ben na sina Paolo Benjamin at si Toni Muñoz ilang araw makaraang tamaan din ng nakahahawang sakit ang lead singer na si Miguel Benjamin.
Dahil sa pangyayari, kanselado ang concert ng banda sa Santiago, Isabela na nakatakda sa July 2.
“Hello! We’d like to announce that our July 2 show in Santiago, Isabela has been moved to July 17. Paolo Benjamin, one of our lead singers, and Toni Muñoz, our percussionist and vocalist, also tested positive for COVID-19. They are currently isolating and recovering,” ayon sa Twitter page ng Ben&Ben.
Matatandaan na kinansela rin ang concert ng grupo sa Surigao noong June 26 nang magpositibo sa Covid-19 si Miguel Benjamin.
“Hello bestie! Ikinalulungkot naming sabihing di kami matutuloy sa show natin sa Surigao this June 26. Positive si Migs sa COVID-19. Don’t worry, okay naman kami, pero para sa safety nating lahat, naka-isolate lang muna siya. Pasensya na ulit at ingat pa rin tayo nowadays! Takits!” ang tweet ng banda.