SINIMULAN agad ni Vice President Leni Robredo ang relief operation para sa mga apektado ng pagsabog ng Bulusan volcano Linggo ng umaga.
“We are currently preparing for our relief operations in Bulusan, Sorsogon and the surrounding areas. Immediate needs identified are face masks and bottled water,” ayon kay Robredo sa kanyang tweet ilang oras matapos mapabalita ang pagsabog.
“Our team will be traveling to Sorsogon ASAP. Will continue to update you of other needs,” dagdag pa nito.
Ayon pa kay Robredo, na-identify na nila ang mga munisipalidad ng Juban at Irosin sa mga pangunahing lugar na apektado ng pagsabog.