Tulay sa Davao City nag-collapse; 1 todas, 2 sugatan

NASAWI ang steelman habang sugatan ang dalawang iba pa nang mag-collapse ang itinatayong tulay sa Panacan, Davao City.

Ayon sa ulat, nagtatrabaho sa tulay ang tatlo nang bumigay ang brace ng isang haligi at tamaan sila.

Kinilala ang nasawi na si JP Oftana, 19, habang nasugatan sina Ian Jarol, 25, at Rogelio Roxas, 28.

Itinigil pansamantala ang construction dahil sa pangyayari. Inaalam pa ng pulisya kung may suot na safety gears ang mga obrero nang maganap ang insidente.

Wala pang pahayag ang contractor ng proyekto.