Truck tumagilid; 77 baboy todas

PATAY ang 77 baboy nang tumagilid ang isang 10-wheeler truck na patungo sa slaughterhouse sa Matnog, Sorsogon.

Ayon sa ulat, nabuhay naman ang 38 baboy na sakay ng truck pero idiniretso sila sa katayan.

Napag-alaman na pumalya umano ang brake ng truck kaya nag-overshoot ito sa kalsada saka tumagilid alas-7 ng gabi Miyerkules.

Hindi naman nasugatan ang driver at dalawa niyang pahinante. –A. Mae Rodriguez