Trans tinalakan ng resort: Bakla ka kaya di ka pwedeng mag-CR sa pambabae!

INAKUSAHAN ng diskriminasyon ng transgender woman ang isang resort sa Samal Island sa Davao del Norte makaraan siyang pagbawalan na gumamit ng ladies’ toilet.


Sa Facebook, ikinuwento ni Shannon Remotigue Gonzaga ang pamamahiya umano sa kanya ng staff at management ng Isla Reta Beach Resort.


Ayon kay Gonzaga, na ipinakilala ang sarili nilang transgender woman, matapos maligo sa beach ay nagpunta siya sa comfort room na pambabae pero pinigilan siya ng bantay at sinabihan siyang gumamit ng CR na panlalaki.


“Before entering the female bathroom, I was barred and told to transfer. I did not engage in an argument anymore. I looked inside the men’s shower room, but there are a lot of shirtless men. So it would be awkward for me and for them if I’d be there,” aniya.


Kahit ihing-ihi na ay hinintay niya na lumabas lahat ng tao sa ladies’ toilet. Nang makita niyang papasok sa CR ang tiyahin at kaibigan ay sumabay siya rito pero muli siyang sinabihan ng bantay na bawal siyang pumasok.


Ayon sa Bantay, mga transgender women lang na sumailalim sa sex reassignment surgery ang pwedeng pumasok.


“Is that how you approach us? Does it mean that if transgenders will use your female bathroom, they need to show their private parts as proof?” ani Gonzaga.


Nagreklamo si Gonzaga sa resort management pero binastos din umano siya ng mga ito.


“It is really prohibited because you are gay, they said. There were also several female guests who complained about it,” aniya.


Nag-isyu naman agad ng kalatas ang resort at sinabing wala silang magagawa sa reklamo ni Gonzaga dahil wala silang pasilidad para sa mga kagaya niya.


Iniimbestigahan na ng Department of Tourism (DOT) ang insidente.