ISANG hinihinalang mataas na lider ng teroristang grupong Abu Sayyaf ang napatay matapos makaenkwentro ang mga sundalo sa Basilan nitong Biyernes.
Nagsasagawa ng kanilang security operations ang mga tauhan ng 7th Scout Ranger Company, 5th Scout Ranger Battalion nang biglang makasagupa ang mga hinihinalang miyembro ng Abu Sayyf sa Barangay Baiwas, Sumisip, Basilan.
Matapos ang 15-minutong sagupaan, napatay ang sinasabing lider ng grupo na si Radzmil Jannatul.
Ayon sa AFP, si Jannatul ang humalili sa huling lider ng ASG na si Furuji Indama na napasalgn naman noong Oktubre 2020 sa isa ring enkwentro.
Dalawa pang sub-leader ng Abu Sayyaf ang patuloy na pinaghahanap ng tropa ng pamahalaan. – John Roson