Terminal inaro ng pick-up; 9 sugatan

NASUGATAN ang siyam na katao nang araruhin ng pick-up truck ang terminal ng sasakyan sa Pontevedra, Capiz.


Ayon sa pulisya, Ilan sa mga biktima ay nabalian ng paa at nagtamo ng mga sugat sa katawan.


Nakatakda namang kasuhan ng pulisya ang driver ng truck ng reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to properties.


Sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng pick-up truck kaya nasuwag nito ang mga tricycle at tindahan sa terminal sa Brgy. Poblacion Martes ng gabi.


Marami sa mga biktima ang naipit sa kanilang mga sasakyan habang ang iba ay nadaganan ng mga bumagsak na tindahan.


Agad namang naitakbo sa ospital ang mga biktima habang hindi na nakapalag ang driver nang dakpin ng mga rumespondeng pulis.


Napag-alaman na nakainom ang driver at saglit na nakatulog habang nagmamaneho.