Teller tinaga ng bata, dedbol

NASAWI ang teller ng small town lottery (STL) outlet sa Malalag, Davao del Sur, nang pagtatagain ng batang lalaki nitong Biyernes.


Dead on the spot si Antonio Torreon, 27, ng Purok 6, Brgy. New Baclayon, dahil sa pinsala sa katawan.


Agad namang nasakote ng pulisya ang suspek na isang 16-anyos.


Natutulog sa kanyang bahay si Torreon nang pumasok ang suspek, na may bitbit na karit, at pinagtataga ito.


Tumakas ang suspek nang makitang hindi na humihinga ang biktima.


Nakilala ang suspek dahil sa tsinelas at pantalon na naiwan niya sa labas ng bahay ng biktima.


Inaalam pa ang motibo sa pamamaslang.