TULOY-tuloy pa rin ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal matapos itong makapagtala ng apat na phreatomagmatic na pagputok, 14 na volcanic earthquake at 10 volcanic tremor Linggo ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanoly and Seismology (Phivolcs).
Naitala ang phreatomagmatic na pagputok alas-7:22 ng umaga; alas-7:33 ng umaga: alas-4:34 ng umaga at alas-5:04 ng umaga ngayong Linggo.
Umabot din ang pagbuga ng sulfur dioxide na may taas na 6,957 tonelada; at plume o steaming na aabot sa 1,000 metro taas. Nauna nang nagpatupad ang Phivolcs ng Alert Level 3 sa Taal Volcano matapos ang phreatomagmatic eruption alas-7:22 ng umaga noong Sabado. Libo-libong residente ang inilakas dahil sa patuloy na aktibidad ng Taal Volcano.