TINATAYANG nasa 9,000 residente mula sa dalawang bayan sa Batangas ang inilikas kahapon ilang oras matapos mag-alburuto ang Taal Volcano at maglabas ng mahigit na tatlong-kilometrong maitim na usok mula sa crater nito.
Kasalukuyang nasa Alert Level 3 ang Taal, at posibleng magkaroon din ng magmatic eruptions, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ang mga inilikas na residente ay mula sa mga barangay ng Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo at Boso-boso, Gulod at Bugaan East sa bayan naman ng Laurel, sa Batangas.
Inilikas ang mga residente dahil umano sa posibleng maapektuhan ng inaasahang “pyroclastic density currents,” or dense, mabilis na pagdaloy ng pinatigas na lava, volcanic ash at hot gases sakaling magkaroon ng malakas na pagsabog ang bulkan, dagdag pa ng Phivolcs.