SUBSIDIZED ANTIGEN TESTING PARA SA TURISTA, IKINASA NG BAGUIO CITY

BAGUIO SUBSIDIZED ANTIGEN TEST

MAGANDANG BALITA para sa mga nagnanais mamasyal sa summer capital!

Nag anunsyo ang Lokal na Pamahalaan ng Baguio City na isa-subsidize nito ang Antigen Test para sa 12,000 na mga turista simula April 5, 2021. Mula P500 ay magiging P350 na lamang ang bawat Antigen Test, salamat na din sa subsidy mula sa Tourism Promotions Board (TPB).

Ayon kay Supervising City Tourism Operations Officer Engr. Aloysius C. Mapalo, bukas ito para sa mga turista na magpapa-test sa Central Triage ng siyudad. Paalala ni Mapalo na “First Come, First Served Basis” ang subsidized testing.

Nauna nang nagpasalamat si Mayor Benjamin Magalong kay Secertary Bernadette Romulo-Puyat para sa suporta nito sa local tourism.