TINIYAK ni Transportation Secretary Arthur Tugade na balik operasyon na ang Siargao Airport sa kabila nang pinsalang tinamo nito matapos ang pananalasa ng Bagyong Odette.
“I’ve been told by CAAP that by tomorrow, maski na ho critically damaged ‘yung paliparan na ‘to, Siargao will be commercially operable. In other words, Mr. President, lahat ho ng paliparan na naapektuhan ng Typhoon Odette by tomorrow will be commercially operational maski na po ginagawa at inaayos ‘yung mga repair na ginagawa sa mga paliparan,” sabi ni Tugade.
Idinagdag ni Tugade na aabot sa P14 milyon ang kailangan para sa rehabilitasyon ng Siargao.
“Pinakamalaki ho dito ‘yung pangangailangan ng Siargao, 14 million ho, ito lang ho ay estimate na puwede namang lumaki rin,” aniya.